Lost in a world dominated by words.
Where in photographs fly,
Texts walk through wide waters and lands
AND THOUGHTS BUILD ITSELF INTO
TIMELESS EPICS.


I live in a different world. I hide behind a pesky pseudonym. You don't know me, and I don't know you, either. But, you're always welcome to share with me the epic products of insanity. :)

Paumanhin sa mala-tabloid na pamagat. Pagbigyan, sadyang natutuwa lang akong magsulat ulit.

Bubuhayin ko bang muli ang aking matagal nang inaamag na blog?

Sa totoo lang… Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagsusulat ngayon. Baka epekto ito ng bagyo, ng nakakapangatog tuhod na lamig, o kaya naman ay epekto ng sipon o plema (nyay, kadiri! Uso ang yupemismo!) na naipon sa utak ko. Hindi ko alam. At ah, siguro medyo ayaw ko pang magpaawat pagkatapos kong isulat yung reaction paper ko sa Phil. History. May mga angas (positive expression po iyan ng paghanga) na blogs pala akong nakita o sabihin na nating inistalk. Hehe. 

Kapag tinamaan ka nga naman, wala ka nang kawala. Kaya mga daliri, humanda ka na. /happytypingmode

Medyo matagal na kong may Tumblr account. Medyo palang naman. Valid na ba na sabihin kong inaamag na ‘tong blog na ‘to dahil naabutan ko pa ang dating kinababaliwan at kinao-obsess-an na Tumblarity? Maybe no, maybe yes. Pero hindi ‘yon ang issue.

Dati, nagtatago ako sa username na settheaperture na ngayon ay mas pinaarte ko bilang vitamincaffeine. Sa mga alyas na ito nagtatago ang isang ‘dead kid’ o sabihin na nating isang nilalang na mayroon ngang account sa mga social networking sites o kaya nama’y mayroong cellphone ngunit hindi ito nagagamit ng madalas upang makibalita, makipagkumustahan, o makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala. Minsan, sinasadya lang na hindi magreply sa mga text at hindi mag-online dulot ng sari-saring kadahilanan. (Katamaran, pagkakuripot sa pagpapaload, o sadyang inaatake lang ng pagka-antisocial, at iba pa. Hehe) In short (lol), deadkid = no social life.

Madalas na sinasabi na ibang tao ka sa personal at ibang ‘tao’ ka sa cyberspace. Hmm, may punto nga ito… Ngunit hindi ako sumasang-ayon ng lubusan.

Sa kaso ko, sa personal, tahimik ako PERO—isang naka all caps na PERO— sa una lang ‘yon. Hindi ako yung tipo ng tao na nagmumukmok sa gilid ng isang silid na puno ng tao. Nahihiya man ako, nakikihalubilo naman ako kahit paano. Sa kabilang dako, sa cyberspace naman, hindi naman nawawala ang pagiging palakaibigan ko (pero siyempre kailangan din salain ang mga tinatanggap na friend requests sa Facebook. Aminin, nakaiirita na minsan yung mga spammer na send nang send ng kung anu-anong game requests at yung mga pm nang pm para i-like ang kung anu-anong produkto at kung sino-sinong model sa mga contests, di mo naman kilala). Kung paano ako magsalita ay madalas, ganoon din ako makipagchat/text; hindi naman ako lumilikha ng ibang katauhan, ng alternate ego. Yun nga lang, minsan (o madalas?), naiinis ang mga kaibigan ko sa’kin dahil hindi ako active sa mga kaewanan sa social networking sites: huli akong mag-upload (kaya hirap ang mga taong maghagilap ng bago dp kapag ako ang taga-kodak), tamad akong mag-tag ng mga mukhang nakapaskil nang paulit-ulit sa mga litrato, hindi ko naiintindihan ang mga biro at ‘meme lingo’ nila (kung ano mang tawag niyo dun) dahil huli na ako sa mga bago at usong kalokohan sa internet. “You don’t say?” Lol. Sa text naman, madalas ay isa o dalawang oras akong late magreply o kaya naman ay hindi talaga nagrereply. May mga panahon pa ngang tila malayo ako sa kabihasan (ay wow, exagge, teh?) at hirap na hirap ang mga kaklase kong contact-in ako dahil nung 4th year high school lang ako natutong panindigan ang paggamit ng cellphone. Kaya lubos ang pagbubunyi nila nang malaman na marunong na kong magtext at makibahagi sa sibilisasyon: "Sa wakas! Di na makakatakas si Pads sa groupworks!"

Eto pa, ako yung tipo ng tao na maraming issue sa buhay. Medyo masikreto. May pa-mysterious effect pang nalalaman. Siguro may obsession akong paghiwalayin o isegregrate ang iba’t ibang aspeto ng buhay ko. Iba ang buhay pamilya, ang buhay estudyante, ang buhay kaibigan, ang buhay pag-ibig (asa, meron ba? Haha), buhay career career-an at iba pa. May takot siguro akong maghalu-halo at magkagulo-gulo ang mga koneksyon ko sa mga tao na maaaring umabot sa punto na hindi ko na kayang ayusin. May mga bagay rin sa buhay na hindi mo pa lubusang napoproseso kaya hindi ka pa handang ibahagi ang mga detalye. Iyon siguro ang pumigil sa’kin na panindigan ang pagsusulat ko sa mga blogging sites. Oo, marami akong blogs dati nung mga nene days ko, pero hindi ko na ieendorse iyon, dahil medyo natatawa ako sa mga pinagsusulat ko noon. Ang babaw, uhaw sa pansin. Siguro sa paglipas ng panahon, pagtatawanan ko rin itong post na ‘to, no doubt. Pero bahala na. Tinamaan ako ni Inspirasyon, gusto kong magsulat, feel kong magsulat, bakit ba. Minsan lang ‘to, pagbigyan niyo na.

Hindi man ako nagtatransform sa kabaliktarang imahe ko o alternate ego na naghahasik ng lagim sa internet, may parte parin sa pagkatao ko na naghahanap ng comfort zone, ng outlet ng mga salita at damdaming hindi mo masabi. Pero, mayroon ring parte na nagsasabing may kapahamakan ring nagtatago sa internet. Isang click lang, nandiyan na yang post na yan habang buhay, kahit ilang beses mo pang idelete. Ingat ingat rin sa mga salita.

Kahit may mga pangamba pa rin, sisimulan ko nang gibain ang mga kathang isip na pader na pumipigil sa’kin na maranasan ang buhay. Isa na siguro itong hakbang, ang pagsasapubliko ng mga nilikha at isinulat ko, sa pagpapalago ng aking pagkatao. College na rin ako, kailangan ko nang lawakan ang koneksyon ko sa mga tao. Idagdag mo pa na isa akong Advertising Arts student. Ito, ang internet, ay magiging bahagi ng madla na makakikita, makadidinig, at makadadama ng aking sining. Kailangan ko nang makibahagi sa lipunan na ginagalawan ko ngayon at gagalawan sa hinaharap.

"One step at a time," ika nga. Pagod na ko sa buhay dead kid, buhay mediocre, buhay makasarili, at buhay sunod sa agos.

Hindi lang ang social life ko ang nag-“resurrect”. (Actually, mali ata ang term na iyan. Hindi naman patay eh. Mas maganda kung sasabihin nating MAS NAGING BUHAY.) MAS NAGING BUHAY rin ang isang mahalagang parte ng personal kong buhay—ang pagmamahal ko sa pagsusulat. :)

Di maaaring habang buhay magtago, di maaaring habang buhay manahimik. Parang hindi ka rin nabuhay kung hindi ka nagpahayag, hindi ka nakibahagi at nagbahagi.


Vitamincaffeine|Michelle|Pads|Paddy, ang batang madrama at mahaba magpost.


Dead kid, nabuhay!
At dahil Pasko, naalala ko lang ang kalokohan ko. Naalala ko rin yung sinabi ng teacher ko nung pinasa ko ito para sa publication,
"Funny. Pero anong moral lesson dito, lamangan ang magulang mo?"
HAHAHA, Merry Christmas! :)

At dahil Pasko, naalala ko lang ang kalokohan ko. Naalala ko rin yung sinabi ng teacher ko nung pinasa ko ito para sa publication,

"Funny. Pero anong moral lesson dito, lamangan ang magulang mo?"

HAHAHA, Merry Christmas! :)

Pasalubong. Kasoy | Polvoron | Panutsa | Suman

Pasalubong. Kasoy | Polvoron | Panutsa | Suman


…Yet She Smiles.
The Irony of Life.
Isa sa mga litratong tumatak sakin.

…Yet She Smiles.

The Irony of Life.

Isa sa mga litratong tumatak sakin.

[60x24x365=525600] Nung minsan ay na-lss ako sa kantang Seasons of Love, walang magawa sa Statistics class at napansin kong may hawak akong calculator, ay napaisip ako at nagawa ko ang equation na to. Kaya pala 525600 minutes ang chorus ng kanta. at dahil diyan mas naintindihan ko ang lyrics. ;)

[60x24x365=525600] Nung minsan ay na-lss ako sa kantang Seasons of Love, walang magawa sa Statistics class at napansin kong may hawak akong calculator, ay napaisip ako at nagawa ko ang equation na to. Kaya pala 525600 minutes ang chorus ng kanta. at dahil diyan mas naintindihan ko ang lyrics. ;)

<3 !
Typography~ :)

Typography~ :)

What a possibility. XD

What a possibility. XD

Ikaw, magaling ka ba? Kung oo, repost na~ :))
ROCK ON! \m/ :D

Ikaw, magaling ka ba? Kung oo, repost na~ :))

ROCK ON! \m/ :D